Ang Sulat ni Pablo sa Mga Taga-Filipos
Panimula:
Ang Sulat ni Pablo sa Mga Taga-Filipos ay para sa unang iglesyang itinatag ni Pablo sa Europa.
Ang Filipos ay isang lunsod sa Macedonia, na isang lalawigang sakop ng
Roma. Nakabilanggo si Pablo nang sinulat niya ito. Naliligalig siya
dahil may mga manggagawang Cristiano na sumasalungat sa kanya, at dahil
na rin sa maling aral na nakapasok sa iglesya sa Filipos. Ngunit mababakas sa
sulat na ito ang isang kagalakan at lakas ng loob na taglay ni Pablo
dahil sa kanyang matibay na pananalig kay Jesu-Cristo.
Ang pangunahing layunin ng sulat na ito ay pasalamatan ang mga mananampalataya sa Filipos
dahil sa tulong na ipinadala nila sa kanya. Sa pamamagitan ng sulat na
ito, sinikap niyang palakasin ang kanilang loob, upang huwag silang
mabahala tungkol sa kanyang kalagayan, at sa kanilang mga sariling
suliranin. Sila ay pinayuhan niya na maging mapagpakumbaba na gaya ni
Jesus at huwag padala sa pagmamataas at makasariling hangarin. Ipinagunita niya na ang
buhay na tinatamasa nila kay Cristo ay kaloob ng Diyos na tinanggap nila
sa pamamagitan ng pananampalataya, at hindi sa pagganap ng mga
alituntunin ng Kautusang Judio. Binigyan niya ng diin ang kagalakan at
kapayapaang ibinibigay ng Diyos sa mga nagpapasakop kay Cristo.
Sa sulat na ito'y binibigyang-diin ang kagalakan, kapanatagan, pagkakaisa, at pagpapatuloy
sa pananampalataya at pamumuhay Cristiano. Binabanggit din dito ni Pablo ang
kanyang marubdob na pagmamahal sa mga kapatiran sa Filipos.
Nilalaman: