Ang Sulat ni Pablo sa Mga Taga-Efeso
Panimula:
Ang pangunahing bagay na tinatalakay sa Sulat ni Pablo sa Mga Taga-Efeso
ay ang layunin ng Diyos na "tipunin ang lahat ng nilikha sa langit at sa
lupa, at ipasailalim ang mga ito kay Cristo" (1:10). Isa
rin itong panawagan sa mga anak ng Diyos na isabuhay nila ang kahulugan ng dakilang panukalang ito sa pamamagitan ng pakikipag-isa kay Jesu-Cristo.
Sa unang bahagi ng sulat na ito, tinatalakay ng sumulat ang pagkakaisa. Tinatalakay niya
rito ang paraan ng pagpili ng Diyos Ama sa kanyang bayan, ang kanyang pagpapatawad at pagpapalaya sa kanila mula sa kanilang kasalanan sa pamamagitan
ng kanyang Anak na si Jesu-Cristo, at kung papaanong pinatutunayan ng Espiritu Santo
na matutupad ang dakilang pangako ng Diyos. Sa ikalawang bahagi nama'y nananawagan
siya na gawin nilang makatotohanan sa kanilang buhay bilang isang lupon
ng mga mananampalataya ang kanilang pakikipagkaisa kay Cristo.
Upang ipakita ang pagkakaisa ng mga anak ng Diyos kay Cristo, gumamit
siya ng ilang paglalarawan. Sinasabi niya na ang iglesya ay katulad ng
isang katawan na ang ulo ay si Cristo; isang gusali na ang batong
panulukan ay si Cristo, at isang babae na ang asawa ay si Cristo. Naging
makulay ang mga pangungusap ng apostol sa aklat na ito dahil nakita niya
ang kagandahang-loob ng Diyos sa sangkatauhan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo.
Ang kagandahang-loob na ito ay ipinapakita sa aklat na ito ayon sa
pag-ibig, pagpapakasakit, pagpapatawad, kagandahang-loob at kalinisan ni Cristo.
Nilalaman: