Ang Aklat ng Zefanias
Panimula:
Nangaral si Propeta Zefanias nang huling bahagi ng ikapitong siglo B.C.
Maaaring ito'y nangyari sampung taon bago gumawa ng mga pagbabagong panrelihiyon si Haring Josias noong taong 621 B.C.
Ang aklat na ito ay naglalaman ng mga paksang
madalas na ipinapahayag ng mga propeta, gaya ng: bantang kapahamakan at
pagkawasak ng Juda bilang parusa sa kanyang pagsamba sa mga diyus-diyosan. Paparusahan din ni
Yahweh ang ibang bansa. Bagaman ang Jerusalem ay mapapahamak, ibabalik
ito sa dating kalagayan pagdating ng panahon at titirhan ng mga taong
mapagpakumbaba at mabuti.
Nilalaman: