Ang Aklat ni Ruth
Panimula:
Ang kasaysayan sa aklat na ito ay naganap sa magulong panahon sa Aklat ng Mga Hukom.
Si Ruth na isang Moabita ay nag-asawa ng isang Israelita. Nang mamatay ang
kanyang asawa, ipinakita ni Ruth ang di pangkaraniwang katapatan sa kanyang biyenang babae
na si Naomi, gayundin ang kanyang matibay na pagmamahal sa Diyos ng Israel
na si Yahweh. Sa bandang huli, nag-asawa siyang muli ng isa sa mga
malapit na kamag-anak ni Naomi, si Boaz. Bunga ng muling pag-aasawang
ito, si Ruth ay naging ninuno ni David, ang pinakadakilang hari ng Israel.
Ipinakikita ng mga kasaysayan sa Aklat ng Mga Hukom ang kapahamakang nangyari nang tumalikod sa Diyos ang Israel.
Ipinakikita naman sa Aklat ni Ruth ang pagpapalang dumating sa isang dayuhang yumakap sa Diyos ng Israel at
sa gayo'y naging bahagi ng bayan ng Diyos.
Nilalaman: