Skip Navigation LinksHome - Bagong Tipan - Marcos previous page            next page

Ang Magandang Balita ayon kay Marcos

Panimula:

               Ang Magandang Balita ayon kay Marcos ay nagsisimula sa pahayag na "Ito ang Magandang Balita tungkol kay Jesu-Cristo, ang Anak ng Diyos." Pinaniniwalaan ng marami na ang aklat na ito ang pinakaunang naisulat na aklat tungkol sa buhay ni Jesu-Cristo, at ito rin ang pinakamaiksi subalit ito naman ay punong-puno ng buhay na kasaysayan. Ang madalas na pagpapaliwanag ng mga salitang Aramaico at mga kaugaliang judio ay nagpapahiwatig na ang aklat na ito ay isinulat para sa mga Hentil o mga Cristianong hindi Judio.

               Si Jesus ay inilalarawan dito bilang isang taong may tanging kapangyarihan. Ito ay makikita sa kanyang pagtuturo, kapangyarihan laban sa mga demonyo at pagpapatawad ng kasalanan. Ipinahayag rin niya na siya ang Anak ng Tao na naparito upang mag-alay ng kanyang buhay para sa kaligtasan ng mga makasalanan.

               Sa paglalahad ni Marcos, higit niyang binigyang-diin ang mga ginawa ni Jesus kaysa mga itinuro nito. Pagkatapos ng maikling ulat tungkol kay Juan na Tagapagbautismo at tungkol sa pagbautismo at pagtukso kay Jesus, tinalakay agad ni Marcos ang pagtuturo at pagpapagaling na ginawa ni Jesus. Habang tumatagal, lalong lumilinaw ang pagkakilala ng mga tagasunod ni Jesus sa kanya. Sa kabilang dako, lalo namang tumitindi ang galit sa kanya ng kanyang mga kaaway. Sa huling mga kabanata, inilahad ni Marcos ang mga pangyayari sa huling linggo ni Jesus dito sa lupa, ang kanyang paghihirap, pagkamatay at muling pagkabuhay.

               Bagama't hindi tuwirang binanggit ng aklat na ito kung sino ang may akda, maaaring tama ang nakagisnang paniniwala na si Juan Marcos ang may akda nito (Mga Gawa 12:12)(Mga Gawa 15:37). Sinasabing isinulat niya ito sa Roma bago bumagsak ang Jerusalem noong A.D. 70. Sa ibang mas matatandang manuskrito, ang aklat na ito ay nagtatapos sa kabanata 16, talata 8. Sa iba namang mga manuskrito'y may maiksing pagwawakas at sa iba nama'y ang mahabang pagwawakas. Dahil dito, ang mahaba (9-20) at maikling pagwawakas (9-10) ay parehong isinama sa teksto ngunit nakapaloob sa mga panaklong upang ipahiwatig na mayroong tekstuwal na katanungan sa mga nabanggit na bahagi.

Nilalaman:

previous page            next page

Mga Kabanata: Marcos | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16

Lumang Tipan: Gen | Exo | Lev | Bil | Deut | Jos | Huk | Ruth | 1 Sam | 2 Sam | 1 Ha | 2 Ha | 1 Cro | 2 Cro | Ez | Neh | Est | Job | Awit | Kaw | Manga | Aw ni S | Isa | Jer | Panag | Eze | Dan | Hos | Joel | Amos | Oba | Jon | Mik | Nah | Hab | Zef | Hag | Zac | Mal

Deuterocanonico: Tb | Jdt | Estg | Kar | Ecc | Bar | Lih Jer | Aw ng 3 Kab | Su | Bel | 1 Mcb | 2 Mcb

Bagong Tipan: Mt | Mc | Lu | Jn | Gw | Ro | 1 Cor | 2 Cor | Ga | Ef | Fil | Co | 1 Tes | 2 Tes | 1 Tim | 2 Tim | Tito | Filem | Heb | San | 1 Ped | 2 Ped | 1 Jn | 2 Jn | 3 Jn | Ju | Pah