Ang Aklat ng Joel
Panimula:
Kakaunti ang alam natin tungkol kay Propeta Joel at hindi malinaw kung
kailan siya nabuhay. Ngunit marahil nasulat ang aklat na ito noong ikalima at ikaapat na siglo B.C., sa panahon ng pamamayani ng
Imperyo ng Persia. Inilalarawan ni Joel ang nakahihindik na pananalakay ng mga balang at ang
malubhang tagtuyot na nangyari sa Palestina. Sa mga pangyayaring ito'y
nakikita niya ang palatandaan ng pagdating ng Araw ni Yahweh--ang panahon ng pagpaparusa niya sa mga sumasalungat sa
kanyang matuwid na kalooban. Ipababatid ng propeta ang panawagan ni
Yahweh sa mga tao upang magsisi at ang kanyang pangakong muling ibabalik at pagpapalain
ang kanyang bayan. Kapansin-pansin ang pangako ng Diyos na ipadadala
niya ang kanyang Espiritu sa lahat ng tao--lalaki at babae, bata at matanda.
Nilalaman: