Ang Aklat ni Ester (Griego)
Panimula:
Ang Aklat ni Ester sa wikang Griego ay isang salin, halaw at pagpapalawak ng Aklat ni Ester sa wikang Hebreo.
Ito ay may karagdagang anim na bahagi na umaabot sa 107 talata. Halos magkakatulad ang mga
pagkasunod-sunod na pangyayari, ngunit may mapapansing pagbabago sa teksto,
at sa pagkakabanggit ng mga pangalang iba sa tekstong Hebreo.
Kapansin-pansin din sa aklat na ito ang diin na ibinigay sa mga bagay na
pangrelihiyon at pagkilos ng Diyos, diin na hindi mababasa sa tekstong
Hebreo. Ang anim na bahaging idinagdag ay ipinapakita bilang Kabanatang A hanggang G sa saling ito.
Nagtataglay ang mga ito ng ibang panimula at wakas. Ipinapakilala rin
nito ang ilang mga dokumento na para bang ito'y mga opisyal na kasulatan.
Nilalaman: