Ang Aklat ni Ezra
Panimula:
Ang Aklat ni Ezra ay karugtong ng mga Aklat ng Mga Cronica. Kasaysayan
ito ng pagbabalik sa Jerusalem ng isang grupo ng mga Judio na
dinalang-bihag sa Babilonia, at ng panunumbalik ng pamumuhay at pagsamba
sa Jerusalem. Inilalahad ang mga pangyayaring ito sa mga sumusunod na
yugto: 1) Sa utos ni Ciro na Emperador ng Persia, bumalik mula sa Babilonia
ang unang pangkat ng mga ipinatapong Judio. 2) Muling itinayo at
inihandog kay Yahweh ang Templo, at ang pagsamba sa Diyos ay muling
isinagawa sa Jerusalem. 3) Pagkalipas ng ilang taon, may isa na namang pangkat ng mga Judio
na bumalik sa Jerusalem sa pangunguna ni Ezra, isang dalubhasa sa Kautusan ng Diyos,
na tumulong sa mga tao upang muling maisaayos ang kanilang buhay panrelihiyon at panlipunan
sa layuning mapangalagaan ang espirituwal na pamana ng Israel.
Nilalaman: