Skip Navigation LinksHome - Lumang Tipan - Deuteronomio previous page            next page

Deuteronomio

Panimula:

               Ang aklat ng Deuteronomio ay kalipunan ng mga pahayag ni Moises sa bansang Israel nang sila'y nasa Moab. Tumigil sila rito pagkaraan ng mahabang lakbayin sa ilang bago sakupin ang Canaan.

               Ilan sa pinakamahalagang bagay na nasa aklat ay ang sumusunod: 1) Ang paggunita ni Moises sa mga nangyari nang nakaraang apatnapung taon. Nanawagan siya sa mga tao na alalahanin kung paano sila inakay ng Diyos sa ilang, kaya dapat maging masunurin at matapat sa kanya. 2) Ang pagbabalik-aral sa Sampung Utos at pagbibigay-diin sa kahulugan ng Unang Utos. Nanawagan siya sa mga tao na maging tapat kay Yahweh. Sinariwa niya ang iba't ibang tuntunin sa pamumuhay sa lupang pangako. 3) Ang pagpapagunita sa mga tao tungkol sa pakikipagtipan ng Diyos. Nanawagan si Moises na ulitin ang kanilang pagtatalaga sa mga pananagutan kaugnay ng tipang ito. 4) Pagsusugo kay Josue bilang lider ng bayan ng Diyos, kapalit ni Moises. Matapos umawit tungkol sa katapatan ng Diyos at magpahayag ng pagpapala sa mga lipi ng Israel, si Moises ay namatay sa Moab, sa silangan ng Ilog Jordan.

               Ang pangunahing paksa ng aklat ay ang pagliligtas at pagpapala ng Diyos sa kanyang bansang hinirang. Kaya't dapat itong tandaan ng kanyang bayan, ibigin at sundin siya upang maranasan ang buhay at di nagmamaliw na pagpapala.

               Ang mga pangunahing talata ng aklat ay nasa 6:4-6, at naglalaman ng pangungusap na tinawag ni Jesus na pinakamahalaga sa lahat ng utos: "Ibigin mo si Yahweh na iyong Diyos nang buong puso, buong kaluluwa, at buong lakas."

Nilalaman:

previous page            next page

Mga Kabanata: Deuteronomio | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 | 17 | 18 | 19 | 20 | 21 | 22 | 23 | 24 | 25 | 26 | 27 | 28 | 29 | 30 | 31 | 32 | 33 | 34

Lumang Tipan: Gen | Exo | Lev | Bil | Deut | Jos | Huk | Ruth | 1 Sam | 2 Sam | 1 Ha | 2 Ha | 1 Cro | 2 Cro | Ez | Neh | Est | Job | Awit | Kaw | Manga | Aw ni S | Isa | Jer | Panag | Eze | Dan | Hos | Joel | Amos | Oba | Jon | Mik | Nah | Hab | Zef | Hag | Zac | Mal

Deuterocanonico: Tb | Jdt | Estg | Kar | Ecc | Bar | Lih Jer | Aw ng 3 Kab | Su | Bel | 1 Mcb | 2 Mcb

Bagong Tipan: Mt | Mc | Lu | Jn | Gw | Ro | 1 Cor | 2 Cor | Ga | Ef | Fil | Co | 1 Tes | 2 Tes | 1 Tim | 2 Tim | Tito | Filem | Heb | San | 1 Ped | 2 Ped | 1 Jn | 2 Jn | 3 Jn | Ju | Pah