Ang Aklat ng Hagai
Panimula:
Ang Aklat ng Hagai ay binubuo ng maiikling mensahe ni Yahweh sa pamamagitan ni Propeta
Hagai noong taong 520 B.C. Nakabalik na ang sambayanan mula sa pagkabihag
at may ilang taon na ring naninirahan sa Jerusalem, ngunit wala pang
kumikilos upang muling itayo ang nawasak na Templo. Taglay ng mga
mensahe sa aklat na ito ang paghimok sa sambayanan upang muling itayo ang
Templo. Kaugnay nito, nangangako naman si Yahweh na gagawin niyang
masagana at matiwasay ang kanilang kinabukasan bilang isang binago at dinalisay
na sambayanan.
Nilalaman: