Sumasampalataya ako sa Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat,
na may likha ng langit at lupa.
Sumasampalataya ako kay JesuKristo, iisang Anak ng Diyos,
Panginoon nating lahat.
Nagkatawang-tao siya lalang ng Espiritu Santo,
ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.
Pinagpakasakit ni Poncio Pilato,
ipinako sa Krus, namatay, inilibing.
Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao;
nang ikatlong araw nabuhay na magmuli.
Umakyat sa langit,
naluklok sa kanan ng Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat;
at doon magmumulang paririto't maghuhukom
sa nangabubuhay at nangamamatay na tao.
Sumasampalataya ako sa Espiritu Santo,
sa Banal na Simbahang Katolika,
sa kasamahan ng mga Banal;
sa kapatawaran ng mga kasalanan,
sa pagkabuhay na magmuli ng nangamatay na tao,
at sa buhay na walang hanggan.
Amen.
V: Binati ng Anghel ng Panginoon si Maria.
R: At siya'y naglihi, lalang ng Espiritu Santo.
Aba Ginoong Maria...
V: Narito ang alipin ng Panginoon.
R: Maganap nawa sa akin ayon sa wika mo.
Aba Ginoong Maria...
V: At ang Verbo ay nagkatawang-tao.
R: At nakipamayan sa atin.
Aba Ginoong Maria...
V: Ipanalangin mo kami,
Santang Ina ng Diyos.
R: Nang kami'y maging dapat makinabang sa mga pangako ni Kristo.
MANALANGIN TAYO:
Panginoon naming Diyos, kasihan mo nawa ang aming mga kaluluwa ng iyong mahal na grasya at yayamang dahilan sa
pamamalita ng anghel ay nakilala namin ang pagkakatawang tao ni Kristong Anak mo, pakundangan sa mahal na pasyon at
pagkamatay niya sa Krus, pakinabangan namin ang biyaya ng Kanyang pagkabuhay na mag-uli sa kaluwalhatian ng Langit.
Sa pamamagitan din ni Kristong Panginoon namin.
Amen