Ang Ikalawang Aklat ng Mga Cronica
Panimula:
Ang Ikalawang Aklat ng Mga Cronica ay karugtong ng Unang Cronica. Inilalarawan nito ang paghahari ni Solomon,
iniuulat ang paghihimagsik ng mga lipi sa hilaga sa pangunguna ni Jeroboam laban kay Rehoboam, anak at kapalit ni
Haring Solomon.
Ang malaking bahagi ng aklat ay tungkol sa panahon ng Nahating Kaharian,
ang Juda at Israel (Kabanata 10-36).
Kaunti lamang ang kanyang sinulat tungkol sa Kaharian ng Israel sapagkat
para sa kanya ito ay hindi kumakatawan sa tunay na Israel dahil sa
pagtalikod nito kay Yahweh. Gayunpaman, Ipinababatid rin ng sumulat ang
tungkol sa lubusang pagtalikod sa relihiyon ng Kaharian ng Juda. Bilang
pagtanggap sa paniniwalang ayon sa Aklat ng Deuteronomio na ang
pambansang kapahamakan ay bunga ng pambansang kasalanan, nakatagpo ang
sumulat ng sapat na dahilan kung bakit naganap ang kapahamakan ng Juda.
Binigyang-kahulugan niya ang mapanglaw na nakaraan bilang isang babala
para sa kanyang panahon at para sa hinaharap.
Nilalaman: