Skip Navigation LinksHome - Lumang Tipan - 1 Samuel previous page            next page

Ang Unang Aklat ni Samuel

Panimula:

               Sa aklat na ito iniuulat ang pagbabago sa Israel mula sa pamamahala ng mga hukom hanggang sa panahon ng mga hari. Ang pagbabagong ito ay umiikot sa tatlong pangunahing katauhan: kay Samuel, na isang propeta at ang huli sa mga pangunahing hukom; kay Saul, ang unang hari ng Israel; at kay David, ang pinakadakilang hari ng Israel. Ang mga unang pakikipagsapalaran ni David bago naghari ay kasama sa mga ulat tungkol kina Samuel at Saul.

               Tulad ng ibang makasaysayang akda sa Lumang Tipan, tampok sa aklat na ito ang tagumpay dahil sa katapatan sa Diyos, at ang kapahamakang dulot ng pagsuway. Malinaw itong sinasabi sa pahayag ni Yahweh sa paring si Eli sa 2:30 ; "Pararangalan ko ang nagpaparangal sa akin, ngunit pababayaan ko ang nagtatakwil sa akin."

               Itinala sa aklat ang magkakahalong damdamin tungkol sa pagtatatag ng kaharian. Si Yahweh ang siyang tunay na hari ng Israel, ngunit dahil sa pagtugon sa kahilingan ng mga tao, siya ay pumili ng hari nila. Gayunpaman, ipinapakita sa aklat na ito na ang hari at ang bansang Israel ay kapwa namuhay sa ilalim ng kapangyarihan at kahatulan ng Diyos (2:7-10) . Sa ilalim ng mga kautusan ng Diyos, kailangang panatilihin at igalang ang mga karapatan ng lahat ng tao, mayaman o mahirap.

               Nagtatapos ang aklat na ito sa pagkatalo ng hukbo ng Israel laban sa mga Filisteo, at sa kamatayan ni Saul at ng anak nitong si Jonatan.

Nilalaman:

previous page            next page

Mga Kabanata: 1 Samuel | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 | 17 | 18 | 19 | 20 | 21 | 22 | 23 | 24 | 25 | 26 | 27 | 28 | 29 | 30 | 31

Lumang Tipan: Gen | Exo | Lev | Bil | Deut | Jos | Huk | Ruth | 1 Sam | 2 Sam | 1 Ha | 2 Ha | 1 Cro | 2 Cro | Ez | Neh | Est | Job | Awit | Kaw | Manga | Aw ni S | Isa | Jer | Panag | Eze | Dan | Hos | Joel | Amos | Oba | Jon | Mik | Nah | Hab | Zef | Hag | Zac | Mal

Deuterocanonico: Tb | Jdt | Estg | Kar | Ecc | Bar | Lih Jer | Aw ng 3 Kab | Su | Bel | 1 Mcb | 2 Mcb

Bagong Tipan: Mt | Mc | Lu | Jn | Gw | Ro | 1 Cor | 2 Cor | Ga | Ef | Fil | Co | 1 Tes | 2 Tes | 1 Tim | 2 Tim | Tito | Filem | Heb | San | 1 Ped | 2 Ped | 1 Jn | 2 Jn | 3 Jn | Ju | Pah